• 1
Saturday, October 21, 2017

Barangay Barihan

A.  HISTORY

Map of Barangay Barihan            Ang Barangay Barihan ay matatagpuan sa dulong hilagang Silangan ng Lungsod ng Malolos. Ito ang Barangay na nag-uugnay sa Lungsod ng Malolos at Bayan ng Plaridel. Ito ay may layong humigit kumulang sa limang Kilometro mula sa Lungsod ng Malolos. Ang Barangay Barihan ay napapaligiran ng apat na barangay. Sa dakong kanluran ay ang Barangay Stma. Trinidad, Barangay Lagundi naman sa dakong Hilaga, Barangay Bungahan sa gawing Timog at ang Barangay Lagundi naman sa dakong Silangan. Ito ay may sukat o lawak na humigit kumulang sa 153 ektarya. Ang Makasaysayang Saligan ng Barihan ay nagsimula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. At sang-ayon sa matatanda sa Nayon, ito’y nagsimula sa ngalang SALITAN, BARILAN. Kaya ito’y pinangalanang BARIHAN. Dito sa pook na ito nagkaroon ng matinding labanan gaya ng pagbabarilan ng mga sundalong Kastila, Amerikano at mga Katutubo. Noong araw, kapag tinatanong ng mga katutubo dito, kung taga saan sila, ang kanilang sinasagot ay doon pos a “pinagbarilan”. Hanggang ngayon ito’y nakasanayan ng tawaging “Barihan”. Kakaunti pa ang mga naninirahan dito. Mayroon lamang daw humigit kumulang sa labing-anim (16) na bahayan. Ilan sa mga lahing nauuna dito ay ang mga lahing Valerio, Santos, Lomotan, Sapitan, Manahan, Lucas, Dela Cruz, De Guzman, Alvarez, Valenzuela at Surio. Ngunit sa pagdaan ng ilang panahon ay nagging maunlad ito hanggang sa dumami ang mga taong naninirahan dito. Patuloy na umunlad ang nayong ito. At halos karamihan ng naninirahan dito ay may pinagkakakitaan. Higit sa lahat ito’y nanatiling tahimik, at maunlad at lagging napapabilang na isa sa Katangi-tanging Barangay sa Lungsod ng Malolos.

B.  PHYSICAL LOCATION

C.  BARANGAY OFFICIALS

Leoncio L. Dayao - Barangay Captain

COUNCILORS

      • Christopher S. Bernardo 
      • Wilfredo DG. Gatchalian
      • Irma M. Cruz
      • Trinidad B. Roque 
      • Arnold R, Surio
      • Fermin F. Valerio
      • Melchor E. Santos

JOSELITO C. CAMUA - Secretary

MA. TERESA DF. DAYAO - Treasurer

 

D.  LIVELIHOOD

E.  POPULATION

  • 5,660 as of 2007 Source: NSO Census of Population, 2007