• Most Outstanding Local Chief officer

  • 1
  • 2
  • 3
Monday, August 21, 2017

Sto. Cristo, may Elementary School na rin!

Lungsod ng Malolos. Pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian ang pagbubukas ng Elementary School sa Barangay Sto.Cristo noong Setyembre 19, 2012. Ito ay dinaluhan ni Barangay Captain Enrico Capule, Sangguniang Barangay ng Sto. Cristo, mga guro at supervisors ng Department of Education sa pangunguna ni District Superintendent Zenia Mostoles.

Masayang masaya ang mga magulang at mga guro dahil nagkaroon na rin ng sariling paaralan ang kanilang barangay. Matapos ang ilang buwan na pagtitiyaga sa pagkaklase sa barangay hall at bisita, sa wakas ay naging totohanan na ang matagal ng pangarap ng mga magulang, mag-aaral at guro na magkaroon ng sarili nilang eskwelahan.

Sa mensahe ni Mayor Christian D. Natividad, kaniyang sinabi na sa umpisa ng kaniyang termino bilang Punong Lungsod ng Malolos, kaniyang nakita ang matinding pangangailangan ng mga kabataang Malolenyo ng karagdagang mga paaralan. Ngayon, wala ng dahilan ang mga magulang na hindi maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang anak dahil mismong paaralan na ang inilapit niya sa pamayanan. Kaniya ring idinagdag na hindi siya nanghihinayang pamuhunanan ang mga kabataan dahil ang kabataan ngayon ang larawan ng kinabukasan ng Malolos.

Turn-over at Ribbon Cutting Ceremony ng Calero Elementary School, Ginanap.

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan - Pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang turn over at ribbon cutting ceremony ng Calero Elementary School noong Setyembre 5, 2012. Ito ay dinaluhan nina Kapitan Virgilio T. Dela Cruz ng Barangay Calero, Gng. Dulce Camaya, District Supervisor ng Malolos South, G. Richard J. Santiago, Principal ng Calero Elementary School, mga guro, mga mag-aaral, Bantay Dagat at mga mamamayan ng Calero.

Read more: Turn-over at Ribbon Cutting Ceremony ng Calero Elementary School, Ginanap.

Bagong High School sa Malolos bukas na

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan- Isa na naman bagong paaralang pangsekondarya ang muling binuksan ng pamahalaang panglunsod ng Malolos bilang tugon sa nais ng mga kabataang Malolenyong makatapos ng kanilang pag-aaral.

Ang bagong Malolos City High School-Santisima Trinidad ay isa sa tatlong bagong high school na binuksan ngayong buwan sa pangunguna ni Mayor Christian Natividad.

Nauna na rito ang Cong. Teodulo Natividad High School-Bangkal at Malolos City High School-Bungahan.

Read more: Bagong High School sa Malolos bukas na

ELEMENTARY SCHOOL SA HUMEL HERITAGE HOMES MALAPIT NG ITAYO!

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan- Maaga pa lang ay hinihintay na ng mga mamamayan ng Humel Heritage Homes Subdivision, Longos, Lungsod ng Malolos ang pagdating ng Punong Lungsod Christian D. Natividad dahil sa itatayong paaralan elementarya sa kanilang lugar. Sabik na sabik sila dahil nagkaroon nang katuparan ang matagal ng hinihiling ng mga kabataan at mamamayan sa kanilang lugar upang mapalapit ang papasukan nilang eskwelahan.

Read more: ELEMENTARY SCHOOL SA HUMEL HERITAGE HOMES MALAPIT NG ITAYO!

Natatanging Mag aaral ng Malolenyo Scholarship Program

I. RASYONAL

            Sa simula pa lamang ng panunungkulan noong Hulyo 2010, ang Pamahalaang Panlungsod ng Malolos sa ilalim ng pamamahala ni Mayor (Abgdo.) Christian D. Natividad ay nagsulong na ng mga panibagong programa ng “scholarship” para sa mga kabataang Malolenyo.

             Sapagkat naniniwala ang Punong Lungsod na ang mga mamamayan at kabataang nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo

Read more: Natatanging Mag aaral ng Malolenyo Scholarship Program

Page 1 of 5