• Most Outstanding Local Chief officer

  • 1
  • 2
  • 3
Tuesday, May 30, 2017

ELEMENTARY SCHOOL SA HUMEL HERITAGE HOMES MALAPIT NG ITAYO!

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan- Maaga pa lang ay hinihintay na ng mga mamamayan ng Humel Heritage Homes Subdivision, Longos, Lungsod ng Malolos ang pagdating ng Punong Lungsod Christian D. Natividad dahil sa itatayong paaralan elementarya sa kanilang lugar. Sabik na sabik sila dahil nagkaroon nang katuparan ang matagal ng hinihiling ng mga kabataan at mamamayan sa kanilang lugar upang mapalapit ang papasukan nilang eskwelahan.

 

Dumalo sina Kapitan Nestor De Guzman at ang samahan ng Senior Citizen Humel Heritage Homes Chapter para makiisa sa gagawin occular inspection ng itatayong eskwelahan. Nakiisa din sina Division School Superintendent Dr. Zenia G. Mostoles, Inh. Ricasol Milan, Panlungsod na Inhinyero, at Abgdo. Carlo Jolette Fajardo, Panlungsod na Abogado.

Ipinaliwanag ng Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na ang itatayong eskwelahan sa kanilang barangay ay pang-anim na niya elementarya mula nang siya maupo bilang mayor ng Malolos. Dahil sa kanyang unang termino ay priyoridad na niya ang edukasyon bilang bahagi ng kanyang programang OKEY. Ayon din sa kanya, malaki ang maitutulong nito sa mga magulang dahil palagi nilang masusubaybayan ang kanilang anak na magsisipag-aral sa kanilang lugar. Makakatipid din sa pamasahe dahil hindi na sila sasakay ng jeep o tricycle.

Pagkatapos ng programa ay pinuntahan na nila Mayor Christian, Kapitan Nestor, Inh. Milan, Abgdo. Fajardo at mga Senior Citizen ang pagtatayuan ng eskwelahan. Sinabi ni Inh. Milan na ang pagtatayuan ng paaralan ay sisimulan gawin bago ang buwan ng Agosto. Kaya naman agad ng isinaayos ang mga dokumento ng lupang pagtatayuan na gagawin ni Abgdo. Fajardo para maging maayos ang proyekto. Sa huli, masayang masaya ang lahat dahil nagkaroon ng Mayor ang Malolos na katulad ni Mayor Christian na handang tumulong sa kapakanan ng mga kabataan at edukasyon.