• Most Outstanding Local Chief officer

  • 1
  • 2
  • 3
Sunday, May 28, 2017

Seal of Malolos

Kahulugan ng Sagisag ng Lungsod ng Malolos

text describing the image

 

Simbahan ng BarasoainIsda at Palay8 Sinag ng Araw51 Dahon ng Laurel
Ang Simbahan ng Barasoain ang pinakakilalang istruktura na nagkaroon ng malaking bahagi sa ating kasaysayan. Idinaos dito ang kongresong panghimagsikan na binuksan sa pamamagitan ng isang pambansang kumbensyon noong Setyembre 15, 1898. Ang isa sa pinakamahalagang naisabatas ng kongresong ito ay ang pagpapatibay noong Setyembre 29, 1898 ng Act of Declaration of Independence na una ng iprinoklama noong Hunyo 12, 1898. Sa simbahan ding ito binalangkas ang Malolos Constitution. Noong Enero 23, 1899 naman, pinasinayaan ang Republika ng Pilipinas at nanumpa si Hen. Emilio Aguinaldo bilang Pangulo. Sa bisa ng isang kautusan ng kongreso, itinatag ang Universidad Literaria Y Cientifika de Filipinas noong Oktubre 19, 1898 sa kumbento ng simbahang ito. Ang isda at palay na pangunahing produktong pangkabuhayan ng mga Maloleño. Ang 8 sinag ng araw ay kumakatawan sa walong lalawigan sa Pilipinas na nakipaglaban para sa kalayaan na kung saan kabilang ang Bulacan na nakakasakop sa Lungsod ng Malolos. Ang 51 Dahon ng Laurel kumakatawan sa 51 barangay na bumubuo sa Lungsod ng Malolos.

 

PETSA : Nobyembre 11, 2002
BATAYANG LEGAL : Kautusang Panlungsod Blg. 04-2003 (Setyembre 9, 2003)