• Most Outstanding Local Chief officer

  • 1
  • 2
  • 3
Tuesday, June 27, 2017

Number 1 Most Wanted ng Alaminos, Laguna Nahuli ng mga Pulis ng Malolos

Nahuli ng Philippine National Police ng Malolos sa Barangay Mabolo, Lungsod ng Malolos ang No. 1 Most Wanted ng Alaminos, Laguna na nakilala sa pangalan na Nicanor Forniloza, tubong Laguna sa pamumuno ni P. Supt. David Nicolas Poklay dakong ala – 6 ng umaga noong Marso 19, 2012. Ayon sa panayam naming kay

Chief Poklay ang nadakip ay ang pangunahing suspek sa Karen Mendoza Murder Case, dahil sa pananaksak nito sa biktima na humantong sa kasong murder noong Mayo 2007. Nang panahon din iyong nagtago ang suspek sa nasabing barangay sa loob ng limang taon. Bago ito ay nagkaroon na nang kooperasyon ang pulis ng Laguna sa pulis ng Malolos at nagbigay ng babala at ilang impormasyon kaya naman nagsaliksik ang atin kapulisan na nagtugma naman sa pahayag ng Laguna Police at ng Sangguniang Barangay ng Mabolo. Dahil dito, agad nahuli ang nagtatagong suspek. Ngayon ay naibalik na sa pulis ng Laguna ang suspek upang doon ikulong at mabigyan ng kaukulang parusa.