• Most Outstanding Local Chief officer

  • 1
  • 2
  • 3
Tuesday, May 30, 2017

Panglungsod na Tanggapan sa Pagsasaka ng Malolos : Programa at Pagkain

 Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Lungsod ng Malolos Malolos

 

-oOo-

 

PANLUNGSOD NA TANGGAPAN SA PAGSASAKA

 


 

 PANLUNGSOD NA TANGGAPAN SA PAGSASAKA NG MALOLOS: PROGRAMA AT GAWAIN

 

   Ang Panlungsod na Tanggapan sa Pagsasaka ng Malolos ay binubuo nang dalawang dibisyon – ang CROPS at FISHERY na nalikha alinsunod sa isinagawang “reorganizational program” ng pamahalaang lokal.  Ito ay naglalayong mapagbuti ang serbisyong pansakahan at pampangisdaan. 

     Noong taong 2011, ang Tanggapan sa Pagsasaka ay may naisatuparang gawain at programa para sa pansakahan (crops/rice), paggugulayan (high value commercial corps production – HVCC), pampangisdaan (fisheries), at tulong pangkabuhayan (livelihood program).  May 1,404 na mga magsasaka mula sa 26 na barangay ang nabiyayaan ng programang pamamahagi ng sertipikadong binhi (certified seeds) ng palay at ito ay may bilang na 1,720 kaban na itinanim sa panahon ng tag-araw (dry season) at 1,817 kaban para sa pang tag-ulan (wet season).  Naglunsad din ng malawakang pagsugpo sa mga pesteng daga sa panahon ng tag-araw (summer massive rat control operation) para sa 11 barangay ng Malolos na nilahukan ng 82 magsasaka.

   Para sa programang Paggugulayan, nakapaglunsad ng walong (8) gulayan sa barangay, gaya ng mga sumusunod: Barihan, Mambog, Ligas, Dakila, Pinagbakahan, Balite, Stma. Trinidad at San Vicente.  Nakapamahagi sa may 25 barangay ng mga pananim na punong kahoy na namumunga at ito may bilang na 4,550.   Nakapamigay rin ng ibat’t ibang uri ng mga buto ng halamang gulay (hybrid vegetable seeds), gaya ng: okra, ampalaya, sitaw, talong, petsay, mustasa at patola.  Dagdag pa rito, ipinamahagi rin ang ilang gamit sa pagtatanim (planting inputs), kagaya ng:  185 bag ng organikong pataba para sa 37 magsasaka, 200 piraso ng seedling tray at 84 na bote ng foliar fertilizer sa 10 barangay. Nagsawaga rin ng pagsasanay sa barangay gaya ng Farmer’s Field School (FFS) on off-season vegetable production.  Katuwang din sa pagpapalawig ng mga programa ang mga kababaihan ng Rural Improvement Club (RIC).

   Sa Pampangisdaan, nakapamahagi ng may 113 pirasong lambat sa mga mangingisda at nakapagsagawa ng pagsasanay hinggil sa Green Water Technology (para sa tilapia at sugpo) na nilahukan ng may 35 namamalaisdaan.  Pagmimintina ng mangrove nursery sa brgy. Calero, na nakapagtanim ng halos 10,000 pananim na bakawan.  Nilahukan ng may 31 mangingisda ang dalawang (2) araw ng pagsasanay hinggil sa Fishery Law Enforcement para sa mga Bantay-Dagat bilang pagpapaigting sa pagpapatupad ng Kautusang Panlungsod Blg. 04-2000 at Batas Pambansa 8550.  Nakapagtala ng anim (6) na operasyon para sa anti-illigal fishing alinsunod na rin sa itinatadhana ng mga nabanggit na kautusan.

   Sa pangkabuhayan, nakapamahagi ng walong (8) yunit ng hand tractor sa 26 na mga magsasaka na ginrupo sang-ayon sa kanilang lokasyon at 30 yunit ng high-speed sewing machine para sa mga kababaihan.  Nakapamigay din ng halos 8,000 piraso ng binhing tilapia para sa namamalaisdaan.


Number 1 Most Wanted ng Alaminos, Laguna Nahuli ng mga Pulis ng Malolos

Nahuli ng Philippine National Police ng Malolos sa Barangay Mabolo, Lungsod ng Malolos ang No. 1 Most Wanted ng Alaminos, Laguna na nakilala sa pangalan na Nicanor Forniloza, tubong Laguna sa pamumuno ni P. Supt. David Nicolas Poklay dakong ala – 6 ng umaga noong Marso 19, 2012. Ayon sa panayam naming kay

Read more: Number 1 Most Wanted ng Alaminos, Laguna Nahuli ng mga Pulis ng Malolos

Natividad Suportado ang mga Magsasaka sa Lungsod ng Malolos

Ang pagpapalaganap ng teknolohiya ay karaniwang isinasagawa nang hiwa-hiwalay, gaya na lamang ng sama-samang pamamaraan ng pamamahala ng peste o sustansya. Subalit kahit pa ang bawat isa ay nakatutulong sa pagtataas ng ani, ipinahihiwatig ng mga pag-aaral na dapat bigyang diin ang relasyon ng mga teknolohiya sa pagpapalay mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang sistemang PALAYCHECK.

Read more: Natividad Suportado ang mga Magsasaka sa Lungsod ng Malolos

Atty. Christian D. Natividad, Sumuporta sa Earth Hour

Sa lumalalang epekto ng global warming sinuportahan ni Mayor Christian D. Natvidad at Abgdo. Rizaldy L. Mendoza ang Earth Hour.

Ang Earth Hour ay ang pagpapatay ng di-kinakailangan mga ilaw sa mga tahanan noong Marso 31, 2012 sa ganap na 8:30 – 9:30 ng gabi.

Inilabas ang kampanyang ito sa MCDN- 18 upang himukin ang mga tao na makiisa sa nasabing gawain.

Kaugnay nito dumalo ang pinuno at tauhan ng City Information Office sa “SEMINAR ON ELECTRICITY CONSERVATION ON HOUSEHOLDS AND SCHOOLS” na isinagawa ng Departament of Energy at Worldwide Life Fund Philippines noong Marso 28, 2012.

Layunin ng seminar na lalong paigtingin ang kampanya sa pagtitipid ng konsumo ng kuryente at maipaalam ito sa mamamayan.

Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng mga guro, ahensya ng pamahalaan, NGO’s, at mga kapulisan ng region 3.

Team City of Malolos sa CLRAA 2012 nag pasalamat kay Mayor Christian D. Natividad

TEAM CITY OF MALOLOS SA CLRAA 2012 NAGPASALAMAT KAY MAYOR CHRISTIAN D. NATIVIDAD

Nagpunta sa Tanggapan ng Punong Lungsod ang buong team ng Malolos upang pormal na magpasalamat sa ibinigay na suporta sa kanila ni Mayor Christian sa ginanap na Central Luzon Region Athletic Association (CLRAA) 2012 sa Iba, Zambales.

Maaga pa lamang dumalo na sila sa Lingguhan Pagtataas ng Watawat sa harapan ng City hall upang makapanayam ng mga manlalaro si Mayor Christian D. Natividad. Silang lahat ay nakakuha ng medalya sa mga isport na sinalihan nila dahil pare-parehong sila nagbigay ng galing at kahusayan. Malaking katuwaan ang nadarama ng Lungsod ng Malolos lalo na si Mayor Christian dahil pumasok ang Team Malolos sa Top 10 at sila ay nasa Rank No. 8. Dahil dito nagkaloob ang punong Lungsod ng Cash Incentives sa mga manlalaro upang sa gayon ay maipagpatuloy nila ang kanilang natutunan sa sports.

Gold – 3500 para sa Gold medalist

Silver – 2500 para sa Silver medalist

Bronze – 1500 para sa Bronze medalist

 

Ang Malolos ay nakakuha ng 32 ginto, 9 pilak at 17 tanso at karamihan sa mga ito ay nagmula sa isport ng Badminton at Swimming. Buong siglang pinagmamalaki ng Malolos si John Edgar Reyes dahil sa husay niyang ipinamalas sa larangan ng Badminton. Siya rin ang pinanlaban sa Singapore kasam ang mga Participants sa Batang Pinoy at ngayon nga ay panlalaban siya sa London Olympics sa July 2012. Dahil sa labis na katuwaan ni Mayor Christian sasagutin na daw niya ang tulong na kakailangan pa ni Joed Reyes sa Olympics. Bukod pa dito ang Team Malolos kasama ang Bulacan Team ang siyang kakatawan para sa palarong pambansa na sa Pangasinan gaganapin sa darating na Mayo 2012.

 

Page 2 of 3