Wednesday, May 22, 2013

BSB San Agustin at San Gabriel

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan - Noong ika-17 ng mayo 2012, pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang pagpunta sa Brgy. San Gabriel at San Agustin bilang ika 30 at 31benepisyaryo ng programang Bayanihan sa Barangay.

Nagkaroon ng programa sa umaga. May mga palaro, sayawan at ipinagkaloob ang mga pangangailangan ng Barangay. Naging sentro ng bayanihan ang pagdalaw ng Punong Lungsod sa mga may karamdaman. Nagkaloob siya ng financial assistance, groceries, wheel chair, tungkod at marami pang iba. Tuwang tuwa ang mga may sakit at mga senior citizens na nadalaw.

Nagpaabot din ang Punong Lungsod ng tulong sa mga mahihirap na pamilya. Pinagtuunan din ng pansin ang ilang kaso ng severe

malnourishment. Subalit batid ng Punong Lungsod na panandalian lamang ang tulong na ito kung kaya’t nagsagawa rin sila ng isang seminar tungkol sa pag gawa ng sabon liquid detergent at mga pagkaing maaaring pagkakitaan.

Nakatuwang rin ng Punong Lungsod sa isinagawang Bayanihan sa Barangay ang iba’t ibang departamento at dibisyon ng Pamahalaang Lungsod kagaya ng CHO na nagsagawa ng medical at dental mission, libreng livelihood training sa pangunguna ng CTEC at libreng anti-rabies vaccine sa mga alagang aso at pusa sa pangunguna ng City Vet. Nagsagawa ng paglilinis sa barangay ang Philippine Army at mga kapulisan.

Tinugunan din ng Punong Lungsod ang ilang mga nilapit na kahilingan gaya ng pagsasaayos ng mga drainage canal.

Naglaan rin ang Punong Lungsod ng mataas na pagpapahalaga sa edukasyon, katunayan nito ay ang pagbibigay katuparan ng scholarship Program para sa mga anak ng Volunteers.

Sa pagtatapos ng Bayanihan bakas sa mukha ng mga nabiyayaan ang lubos na pasasalamat kay Mayor Christian D. Natividad sampu ng mga bumubuo sa Pamahalaang Lungsod.