Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nakatatanda, idinaos ang Lingap-Kalinga na dinaluhan ng mga Senior citizen sa OSCA Building.
Ayon kay OSCA Chairaman Angelito Santiago, pumili sila ng mga indigent na senior citizen mula sa 51 barangay na tumanggap ng tulong-pampinansyal at grocery pack.
Personal ding nagbigay ng mensahe si Punong Lungsod Christian D. Natividad kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga pinaplanong proyekto na tutugon sa mga pangangailangan ng mga senior citizen lalo na sa mga gamot. Ayon kay Natividad, hindi na niya papayagang umakyat sa City Hall ang mga ito upang makahingi ng tulong pangmedikal, sa halip ay ilalapit niya ito sa kanilang mga tahanan.
Ang programa ay pinangunahan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA)Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Dumalo rin sa nasabing gawain si Supervising Administrative Officer – Management audit analyst Ma. Teresa G. Valenzuela.