Mahigit 83 na anak ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang nakiisa sa taunang Halloween Costume Parade at Trick or Treat. Pinangunahan ito ng City Legal Office sa ilalim ng pamumuno ni Abgdo. Cyrus Paul Valenzuela.

Nagsimula ang parada sa Malolos Sports and Convention Center, at nagtapos sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos kung saan binisita ng mga bata ang iba’t ibang tanggapan. Kasama sa mga binisita ang Business Permit Licensing Office, City Assessor, City Mayor, City Legal, City Administrator, City Information, City Environment and Natural Resources, City Training and Employment at iba pang mga opisina.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay kasiyahan at bonding sa mga bata kasama ang kanilang mga magulang.