
Mula sa pakikipagtulungan ng Technical Education And Skills Development Authority o TESDA at Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Training Employment and Cooperative Office o CTECO, nabigyan ng Electric Oven with Convection at Hand Mixer ang 25 Malolenyong nakatapos sa kursong Bread and Pastry Production NC II bilang bahagi ng programang STEP o Special Training for Employment Program. Ang Tool Kit ay magsisilbing panimula kung nanaisin nilang magamit ang kanilang natutunan sa pagtatayo ng sarili nilang negosyo o kaya’y mas lalo pa nilang mapaglinang ang bago nilang natutunang skills para makakuha ng trabaho sa hinaharap.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nagsipagtapos sa TESDA at sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sapagkat hindi lamang sila nagkaroon ng karagdagang kaalaman, nakatanggap din sila ng kagamitan na kanilang magagamit sa pag-unlad o pagpapataas ng antas ng kanilang kabuhayan.
Dumalo at nagpakita ng suporta ang ilang mga kawani ni CTECO sa pangunguna ni OIC Engr. Reynaldo S. Garcia , Trainer Mary Antonette Alincastre, CTECO Training Div. Focal Person Cherry Mendoza, Marrianne DC..Mendoza, Employment Division Head, TESDA Provincial Director Melanie Grace T. Romero at City Administrator Joel Eugenio.