Matagumpay na naisagawa sa ikalawang pagkakataon ang Full Council Meeting ng City of Malolos Development Council sa Penthouse ng DJ Paradise Hotel sa Brgy. Dakila.

Hangad ng pagpupulong ang mapalakas pa ang kakayanan ng Local Development Council at matiyak na katuwang sila sa mga pagpaplano ng mga programa, proyekto at mga aktibidad ng Local Government Unit. Sa pamamagitan ng mga ganitong organizational meeting, mas napapataas ang responsiveness at efficiency ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Sa pagpupulong ding ito binigyang diin ang tama at organisadong paglalatag ng mga barangay projects sa lokal na pamahalaan, Upang sa ganitong paraan epektibong mapapagaralan at mapapagdedisyunan ng Pamahalaang Lungsod kung anung proyekto ang dapat isakatuparan ng mas maaga.

Kung matatandaan sa nagdaang pagpupulong ay natukoy at napagusapan ang mga proyektong nais bigyang prayoridad ng bawat kapitan sa kani-kanilang nasasakupan.

Ipinasa sa nasabing pagpupulong ang mga sumusunod na resolusyon:

-CMDCResolution No. 05-2024 – A Resolution Authorizing the Updates in the Local Development Investment Program (LDIP) 2023-2025 of the City Government of Malolos amounting to Two Hundred Forty-Four Million Seven Hundred Ninety-Seven Thousand Five Hundred Twelve Pesos and Seventy-Eight

Centavos (Php 244,797,512.78)

-CMDC Resolution No. 06-2024 – A Resolution Approving Another Supplemental Investment Program (SIP) for the FY 2024 of the City Goverment of Malolos amounting to One Hundred Three Million Two Hundred Thousand Pesos (Php 103,200,000.00)

-CMDC Resolution No. 07-2024 – A Resolution Endorsing the Fiscal Year (FY) 2025 Annual Investment Program (AIP) amounting to Thirteen Billion Two Hundred Twenty-Two Million Five Hundred Nine Thousand Sixty-Eight Pesos and Sixty-One Centavos (Php 13,222,509,068.61) and the allocation of the 20% Development Fund amounting to Two Hundred Twenty-Three Million Five Hundred Eighteen Thousand Five Hundred Twelve Pesos and Seventy-Eight Centavos (Php 223,518,512.78) of the City Government of Malolos

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kapitan ng mga barangay, mga Civil Society Groups sa Lungsod ng Malolos, mga kawani ng City Planning and Development Office sa pangunguna ni Engr. Eugene Cruz, En.P, City Planning and Development Coordinator, Ferdie Durupa, CMO Chief of Staff, kinatawan ni 1st District Congressman Danny Domingo na si Didis Domingo at kinatawan naman ni Punong Lungsod Christian D. Natividad na si City Administrator Joel Eugenio