Matagumpay na naisagawa sa ikatlong pagkakataon ang Full Council Meeting ng City of Malolos Development Council na ginanap sa Penthouse ng DJ Paradise Hotel sa Brgy. Dakila.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas pa ang kakayanan ng Local Development Council at matiyak na katuwang sila sa mga pagpaplano ng mga programa, proyekto at mga aktibidad ng Local Government Unit ng Malolos.

Sa pamamagitan ng mga ganitong organizational meeting, mas napapataas ang responsiveness at efficiency ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Sa ikatlong kwarter na pagpupulong ding ito binigyang diin ang tama at organisadong paglalatag ng mga barangay projects gayundin ang mga ordinansa at resolusyon na isinusulong ng mga Civil Society Organizations o CSO sa lokal na pamahalaan.

Ilan sa mga ipinasa na resolusyon sa nasabing pagpupulong ang mga sumusunod:

– Resolution No. 10-2024 – A Resolution Authorizing the Update in the Comprehensive Development Plan(CDP) for 2020-2025 of the City Government of Malolos

– Resolution No. 11-2024 – A Resolution Authorizing the Update in the Local Development Investment Program (LDIP) for 2023-2025 of the City Government of Malolos

– Resolution No. 12-2024 – A Resolution Authorizing another Supplemental Investment Program (SIP) for the Fiscal Year (FY) 2024 of the City Government of Malolos

Sa pagtatapos ay tinalakay at ibinahagi ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ang mga paparating na proyekto sa Lungsod ng Malolos.

Dumalo at nakiisa sa nasabing pulong si Abgdo. Dennis San Diego, Inh. Eugene N. Cruz, En.P. at Gemma DC Pacionista, representative ng PATAMBA, Inc.