
Idinaos ang ika-6 na taunang pagtatapos ng ALS na may temang ‘Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok’.
Isa sa nagbigay ng mensahe ay ang OIC-Chief Education Program Supervisor Curriculum Implementation Division, Fatima M. Punongbayan.
‘Hindi balakid ang edad, bata o matanda ay maaabot natin ang ating mga pangarap’, ani Punongbayan.
Ang ALS ay programa ng Department of Education (DepED) na may layuning matulungan ang mga manggagawa, may kapansanan, may edad, indigenous people, out of school youth, mga kabataang nasa kulungan at iba pa na may hangaring makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kabila ng mga balakid at pagsubok na kanilang pinagdaraanan.
Dumalo rin sina Konsehal JV Vitug at SK President Patrick Dela Cruz sa nasabing pagtatapos.