Muling namahagi ang City Agriculture Office ng Livelihood Assistance ngayong ika-5 ng Hunyo 2024 sa 87 na mangingisdang Maloleño, kung saan 70 ang napunta sa Brgy. Babatnin, 12 sa Brgy. Panasahan, at 5 naman sa Brgy. Calero.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga mangingisdang Maloleño, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kagamitang kapaki-pakinabang sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Aquaculturist I Erica Vanessa Bulaong, mayroong tinatayang na 2,146 na kasalukuyang nakatalang fisher folks sa Lungsod ng Malolos.

Dagdag pa ni Bulaong, may susunod pa na pamamahagi nito ngayong taon. Ito din ay taun-taong magpapatuloy upang matulungan pa ang mga lokal na mangingisda, at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Para sa mga nais mapabilang sa programang ito, ipinababatid ng City Agriculture Office na bukas ang kanilang tanggapan sa mga nais mapgpatala.

Dumalo sina City Agriculturist Dr. Romeo S. Bartolo, Ph.D., LAgr, katuwang sina Chief of Staff Ferdie Durupa, at Executive Assistant IV Omar Magno, na silang kumatawan kay Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad.