Mainit ang naging pagtanggap ng mga gurong Malolenyo kay Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad sa isinigawang National Teachers Day Celebration na ginanap sa La Consolacion University of the Philippines Gymnasium.

Ang naturang selebrasyon na may temang Pagpapatibay sa mga Guro, Daan sa Maginhawang Kinabukasan ay naglalayong bigyang pagpapahalaga ang mga responsibilad ng mga guro sa pagpapalaki at paghubog ng ating mga estudyante upang maging kapaki-pakinabang sa kani-kanilang mga komunidad.

Sa mensahe ni Mayor Christian, buong puso niyang pinagmalaki ang malaking impluwensya ng kanyang mga guro sa kanyang buhay estudyante at kung ano ang kasalukuyan niyang kalalagayan, at kung hindi aniya sa gabay ng kanyang butihing ina at ng kanyang mga guro ay wala aniya siya sa posisyon niya ngayon