Kaalinsabay ng lingguhang pagtatataas ng watawat, binigyang pagkilala sa harap ng New Cityhall ang ilang mga opisyal at kawani na nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Malolos. Ilan sa mga nabigyang parangal ay sina Lolita SP. Santos RSW- City Social Welfare and Development Office Head at ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos para sa kanilang suporta at pakikiisa sa implementasyon ng programang “Tara, Basa Tutoring Program” ng Department of Education at Department of Social Welfare and Development Office
Opisyal namang iginawad ang Plaque of Recognition na mula sa Rotary Club of Alabang Madrigal Business Park at National Educators Academy of the Philippines of the Department of Education kay Regemrei P. Bernardo, City Information Officer, ABC President Jun Cruz, Salvador V. Lozano ALS Supervisor/Focal Person, Dr. Frederick Irineo Cesar T. Villano, City Health Officer, Leillani S. Cunanan, SDS DepEd Malolos at City Administrator Joel S. Eugenio sa kanilang suporta at kontribusyon sa matagumpay na pagsasagawa ng Sustainable Mental Health Program for all para sa selebrasyon ng World Mental Health Day.
Samantalang Gawad Parangal naman ang ibinigay kay Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad para naman sa partisipasyon niya bilang pangunahing tagapagsalita at sa malaking suporta nito sa pagkakaroon ng Sustainable Mental Health Program for All.
Sa larangan naman ng pampalakasan, binigyang pagkilala naman si Abrianne Dominique C. Nuevo sa larong Table Tennis sa pagkapanalo nito ng 2 Gintong Medalya at ng titulong Female Athlete of the Year sa National Deaf Olympics na ginanap noong ika-29 ng Setyembre 2024.
2 kawani naman mula sa Traffic Management Office na sina T/E Dionisio V. Santos at T/E Nathaniel A Javier at 2 miyembro ng Field Training Program 2024 na sina Pat. Bernardo F. Macayan JR at Pat. Joshua Phillip G. Aguas ang tumanggap ng komendasyon mula sa Malolos City Police Station sa pangunguna ni PLTCOL Rommel E. Geneblazo Acting Chief of Police sa pagkakahuli nito sa 2 dalawang snatcher sa Malolos Public Market noong ika-9 ng Oktubre 2024.
Dumalo at nakiisa sa naturang programa ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Malolos na sina Konsehal Ega Domingo at ABC President Jun Cruz.