Isinagawa ang isang Blood Letting Project sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City of Malolos Blood Council, ang naturang programa na may temang “Dugo ng Congreso, Alay ng Bayaning Maloleño” ay naglalayong maisulong ang boluntaryong pagbibigay ng dugo ng ating mga kalungsod upang magkaroon ng sapat na supply ng dugo sa panahong ito ay kailanganin.
Naging matagumpay ang nasabing programa sa pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga Rotary Clubs sa Lungsod ng Malolos, Daughters of Mary Immaculate, Department of Health, Red Cross Bulacan at City of Malolos Blood Council. Sa kasalukuyan ay mahigit 50 katao na ang naitalang nakapagdonate na ng dugo at inaasahang madadagan pa ito sa mga susunod na oras.
Dumalo at nagpakita ng suporta sina Jinky J.C Del Rosario, RSW,SWO IV ng City Social Welfare and Development Office at ilang mga kawani ng Business Permit ang Licensing Office sa pangunguna ni Abgdo. Aida Bernardino