Sa pagtutulungan ng Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) at Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, katuwang ang City Social Welfare Development Office (CSWDO), ipinagdiwang at idinaos ang isang Culminating Activity ng Elderly Month para sa humigit kumulang na 300 senior citizens sa lungsod ng Malolos nitong ika-30 ng Oktubre 2024.

Sa naging mensahe ni OSCA Chairman Angelito L. Santiago, kaniyang iniulat ang mga naging natatanging proyekto para sa mga nakatatanda, kagaya ng lungsod ng Malolos bilang isa sa mga unang nagkaroon ng isang buwang pagdiriwang para sa nakatatanda, pagkakaroon ng bukod na 100,000 piso para sa centenarrian, at sariling gusali ng OSCA.

Naging bahagi din ng programa ang pagpapakilala sa iba’t ibang pangulo ng bawat barangay.

Isa sa mga naging tampok na bahagi, ang pagbibigay pagpapahalaga kay OSCA chairman Santiago sa kaniyang natatanging kontribusyon sa pagsusulong ng kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod, at patuloy na pagsuporta sa FSCAP MC.

Kasama din sa binigyang pagkilala sina Maxima C. Hernandez at Virgilio B. Baligad na kanilang sampung taon paglilingkod.

Sinundan ito ng pagpapakitang gilas ng mga senior citizens muka sa 35 na barangay.

Dumalo at nakiisa sa gawain sina Kon. JV Vitug, Kon. Kiko Castro, at Kon. Emmanuel Sacay.

#2024ElderlyMonth#OSCA