Natanggap na ng 66 na benepisyaryo ng SPES ang 60% ng kanilang sahod na nagkakahalaga ng P6,381.84 habang hinihintay pa ang nalalabing 40% na magmumula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa RA 9547, ang mga benepisyaryo ng SPES ay makatatanggap ng minimum wage rate para sa bawat araw ng kanilang pagpasok. Nakasaad sa Seksyon 2 ng nasabing batas na sasagutin ng employer ang animnapung porsyento (60%) ng sahod ng mga estudyanteng nagtatrabaho, habang ang natitirang apatnapung porsyento (40%) ay mula sa pamahalaan at ibibigay bilang tseke na maaaring magamit sa matrikula o libro ng mga estudyante.
Ayon kay CTECO Division Chief Marrianne DC. Mendoza ang mga benepisyaryo ay gumanap ng iba’t ibang tungkulin sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Dumalo at nakiisa sa pamamahagi sina CTECO OIC Engr. Reynaldo Garcia, City Administrator Joel S. Eugenio at si Pangalawang Punong Lungsod na si Miguel Alberto T. Bautista.