Pirmado na nitong ika-13 ng Nobyembre 2024 ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Masterpiece Asia Properties Inc, Professional Regulation Commission at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Ang kasunduang ito ay naglalayong mapadali ang mga pangunahing serbisyo nito sa pamamagitan ng kanilang mobile services upang makaabot ito sa mga Malolenyo sa mas epektibo at mas mabilis na paraan. Nakahanda din maglagay ng Satellite office ang PRC sa Vista Mall sa Brgy Longos.

Ito ay kaalinsunod na din sa adhikain ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na mapabilang ito sa listahan ng Smart City sa buong Pilipinas.

Ang nasabing MOA signing ay dinaluhan nina Mall Operations Manager Rhona G. Quilon, Paul H. Aban PRC Regional Director, CMO Chief of Staff Ferdinand Durupa at Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad.