Matagumpay na naisagawa ang Capab-ALL Training seminar na tatalakay at tutugon sa maaring magiging problema ng mga PWD sa mga kalamidad na kakaharapin nito.

Ang seminar na may temang “Sa Panahon ng Kalamidad, Lahat may Abilidad” ay mula sa pagtutulungan ng City Disaster and Risk Reduction Management Office at mga mga 4th year Broadcasting students ng BulSu.

Hangad ng seminar na ito ang masiguro ang kaligtasan

at ang kahandaan ng bawat isa lalong-lalo na ang mga kalungsod nating may mga espesyal na pangangailangan. Sa pamamagitan ng seminar na ito ay maihahanda ng mga PWD ang kanilang mga sarili sa anumang sakuna o kalamidad na kanilang kakaharapn. Masisiguro din ng mga ito ang hindi lamang ng kanilang kaligtasan kundi ang pangkalahatang kapakanan ng pamilya nito at ng buong komunidad.

Dinaluhan ito ng mga estudyante mula sa College of Arts and Letters BA -Broadcasting section 3C, mga kawani mula sa CDRRMO sa pangunguna ni Katrina Pia Pedro LDRRM Officer IV, Henry Bonzo PDAO Head at Dr. Maria Luisa T. Ronquillo, Board member, Women with Disabilities Leap to Economic Progress Inc.