Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Training, Employment and Cooperative Office. nabigyan ang 20 ambulant vendors ng livelihood package sa harap ng New Cityhall Building.
Ayon kay CTECO Division Head Marriane Mendoza, hindi man malaki ang naturang package, malaking tulong aniya ito sa mga vendors lalong lalo na sa mga nagsisimula pa lang ng kanilang hanapbuhay.
Dumalo at nagpakita ng suporta ang ilang mga kawani ng CTECO sa pamumuno ni Engr Rey Garcia OIC CTECO Head at City Admistrator Joel Eugenio.