Tumanggap ng ₱500,000 subsidy assistance ang mga Coastal Barangay na Babatnin, Caliligawan, Calero, Namayan, Pamarawan, at Masile na siyang gagamitin sa pagbili ng Trash Boat gayundin ang Barangay ng Taal, at Santiago na siyang gagamitin na pambili ng Garbage Truck para sa mabilis at maayos na paghakot sa mga basura ng bawat barangay.

Dumalo at nakiisa Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Konsehal Abgdo. Niño Carlo C. Bautista, Konsehal John Vincent “JV” Vitug III, Konsehal Therese Cheryll “Ayee” Ople, Konsehal Michael M. Aquino, Konsehal Emmanuel R. Sacay, Konsehal Victorino “Troi” Aldaba III, Chief of Staff Fernando E. Durupa at City Administrator Joel S. Eugenio.