Mula sa pagtutulungan ng Bulacan Event Suppliers Association at Pamahalaang Lungsod ng Malolos, binuksan ngayong araw, ika-10 ng Enero, 2025 ang Kasalan sa Republika 2025 bilang bahagi ng Fiesta Republika 2025.

Ang BESA o Bulacan Event Suppliers Association ay samahan ng mga small to medium scale businesses na may kinalaman sa Event Organizing qnd planning katulad ng Catering, Jewelry Designs, Event Stylists, Photo and Video Coverages..

Sa mensahe ni Vice Mayor Miguel T Bautista, taus puso ang kaniyang pasasalamat sa pamunuan ng BESA sa pangunguna nito na maitaguyod ang turismo sa ating lungsod. Binigyang halaga din niya ang pinakitang pagtutulungan ng mga miyembro ng BESA pagpaapaunlad ng kani-kanilang mga hanapbuhay.

Lumahok sa nasabing exhibit ang ilang mga miyembro ng BESA habang dumalo naman at nakiisa sina Arvin Pingol VP BESA, Josephine Murillo- Cruz – BESA PRESIDENT, Rommel Santiago Deputy OIC at Gertrudes De Castro OIC ng Arts, Culture, Tourism and Sports Office.