Sa pamamagitan ng City Agriculture Office, katuwang ang mga pangulo ng bawat barangay ay matagumpay na naibahagi nitong ika-8 ng Enero, 2025 ang 2,300 sako ng certified seeds na may timbang na 20 kilo bawat sako sa mga magsasaka na Malolenyo.
Ayon kay Supervising Agriculturist Rebecca S. Hernandez, nasa 876 magsasaka mula sa 23 agricultural barangay ng Lungsod ng Malolos ang benepisyaryo ng programa.
Kung matatandaan, inilunsad noong taong 2010 ang programa ng pamimigay ng libreng binhi sa mga Malolenyong magsasaka bilang suporta sa sektor ng agrikultura.
Taong 2023, alinsunod sa adhikain ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na tulungan at palakasin ang agrikultura sa Lungsod, nailunsad ang Project Buhay na kung saan ay naidagdag ang libreng pataba sa mga binhi na ipinamamahagi sa ating mga magsasaka tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan.