Bilang panimula ng padiriwang pista ng Sto. Niño, opisyal nang nailagak ang imahen ng Señor Sto. Niño de Malolos sa dambana ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos kaalinsabay sa padiriwang ng Fiesta ng Republica 2025.

Personal na sinalubong at iniluklok ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad kasama ang kaniyang ina, Gng. Matilde Dionisio-Natividad ang imahen ng Señor Sto. Niño de Malolos sa dambana ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at inalayan ng isang 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽.

Sa Panalanging Pagtanggap, hinimok ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ang bawat isa na ang bawat pagbisita ng imahen ng Señor Sto. Niño de Malolos ay hindi lamang isang seremonya, kundi isang panawagan sa bawat isa na ipamalas ang pananampalataya sa gawa sa pamamagitan ng pagiging tapat sa pagbibigay serbisyo sa bawat mamamayan.

Dumalo at nakiisa sa Vicitacion Del Sto. Niño de Malolos sina Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, Konsehal John Vincent “JV” Vitug, City Administrator Joel S. Eugenio, Assistant City Administrator Gertudes N. De Castor, mga kasapi ng Sto. Niño De Malolos Foundation Inc. at kawani ng Tourism, Arts, and Culture Council.