Nagkaisa ang mga debotong Malolenyong Katoliko sa isang makasaysayang Traslacion ng Sto. NiΓ±o de Malolos noong ika-16 ng Enero, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta ng Republica 2025.
Ang salitang ππ«ππ¬π₯πππ’π¨π§ ay tumutukoy sa proseso ng paglilipat o pagdadala ng isang mahalagang bagay, lalo na ng isang relihiyosong imahe o relikya, mula sa isang lugar patungo sa iba pa.
Ito ay nagmula sa salitang Kastila na “traslaciΓ³n,” na nangangahulugang “paglipat” o “paggalaw.” Sa relihiyosong konteksto, sumisimbolo ito ng pananampalataya, debosyon, at pagsasakripisyo ng mga deboto na lumalahok sa prusisyon.
Pinangunahan ni Rev. Msgr. Pablo S. Legaspi Jr., P.C. ang banal na misa sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang mensahe ng debosyon sa Sto. NiΓ±o. Ayon kay Msgr. Legaspi, ang larawan ng Sto. NiΓ±o ay laging kaakibat ng larawan ng Panginoon, sapagkat ang pagsamba sa Sto. NiΓ±o ay hindi lamang dahil sa mga biyayang natanggap natin mula sa kaniya, kundi dahil ito ay patunay ng pagmamahal ng Diyos na nagkatawang-tao upang ipakita sa atin ang kaniyang dakilang layunin.
Binanggit din niya na ang debosyon sa Sto. NiΓ±o na higit pa sa simpleng panalangin. Ito ay isang biyayang nag-uudyok sa atin na mahalin ang kapwa at magpakita ng malasakit sa iba. Sa kanyang sermon, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabahagi ng pagmamahal bilang bahagi ng tunay na pananampalataya.
βπΏππ£π ππ πππ‘ πππ£π π’ππππ π ππ‘ ππ πππ‘ π βππππ,β ani Msgr. Legaspi, na nag-iwan ng makahulugang paalala sa mga dumalo na ang pagmamahal sa Diyos at kapwa ay dapat laging magkaakibat.
Dinaluhan ang banal na pagdiriwang ng mga miyembro ng Sto. NiΓ±o de Malolos Foundation Inc., mga pinuno ng tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay pinakita ng mga nakiisang deboto ang kanilang matibay na pananampalataya at debosyon sa pamamagitan ng pagsama sa prusisyon, mula sa Liwasang Republika patungo sa Bulacan Capitol Gymnasium, kung saan pansamantalang inilagak ang imahen ng Sto. NiΓ±o de Malolos.
Sa parehong lugar idinaos ang ππππ‘ πππ¨. ππ’π§Μπ¨ ππ πππ₯π¨π₯π¨π¬ ππ«ππ§π ππ±π‘π’ππ’π ππππ, na opisyal na nagbukas sa publiko noong ika-19 at magtatapos hanggang ika-26 ng Enero.
Maaaring bumisita mula alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, at sa Enero 26 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 lamang ng tanghali.
Inaasahan naman mamayang alas-2 ng hapon, ika-17 ng Enero, ang Panaog, na isa rin sa mga tampok na bahagi ng taunang Pista ng Sto. NiΓ±o.
Samantala, naging bahagi ng traslacion ang Lerion Dance Troupe at Bagong Bayan Brass Band, na nagbigay ng dagdag na sigla at kasiyahan sa pagdiriwang.