Kaalinsabay ng Lingguhang pagtataas ng Watawat nitong ika-20 ng Enero, 2024, iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Kathrina Pia D. Pedro, LDRRM IV ang Rescue Boats para sa 18 Barangay sa Lungsod ng Malolos.
Kabilang sa mga barangay na napagkalooban ay ang Balayong, Canalate, Anilao, Calero, Bangkal, Sto. Niño, Bagna, Guinhawa, Cofradia, Dakila, Look 1st, Matimbo, Niugan, San Agustin, San Gabriel, Mambog, Santiago, at Tikay.
Ang mga rescue boats na ito ay magsisilbing kagamitan ng mga barangay upang makatugon sa panahon ng bagyo at pagbaha, at makakatulong din sa pagkuha ng basura sa mga ilog sa kanilang lugar.
Dumalo at nakiisa sa paggawad sina Konsehal Edgardo Domingo, ABC Cesar Bartolome, COS Fernando Durupa at si Assistant City Administrator Gertudes De Castro.