Mainit ang naging pagtanggap ng hindi lamang ng mga malolenyo kung hindi pati na rin ang mga bulakenyo sa pagdating ni Solicitor General Menardo I Guevarra sa pagdalo at pakikiisa nito sa paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng Republikang Filipino na ginanap sa makasaysayang simbahan ng Barasoain.

Si Menardo Guevarra, na tubong Marilao ay nagsilbi sa huling tatlong administrasyon bilang commissioner ng Philippine Competition Commission ng Aquino Administration, Secretary of Justice sa ilalim ng Duterte Administration at Solicitor General naman sa Marcos Jr Administration.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang importansya ng okasyong ito sapagkat sinasalamin nito ang patuloy nating pakikibaka para sa Kalayaan, hindi lamang laban sa pananakop at pangaapi ng ibang lahi kung hindi kalayaan mula sa kahirapan, kamangmangan at sa pangaapi ng kapwa nating Pilipino. Taus puso din siyang nagpasalamat sa mga bulakenyo sa pagimbita sa kanya sa mahalagang Gawain na ito.

Lubos din naman ang naging pasasalamat ni Mayor Atty Christian D Natividad sa lahat ng nagsidalo at nakiisa sa nasabing okasyon. Ayon sa kanya mahalaga aniyang mainitindihan ng hindi lamang ng mga bulakenyo kung hindi ang buong sambayanang Pilipino ang kahalagahan at importansya ng araw na ito. Hangad din niyang ipaalam sa kanyang nasasakupan ang naging papel ng Lungsod ng Malolos sa Pambansang Kasaysayan.

Dumalo at nakisaya sa naturang selebrasyon ang ilang mga kapitan ng barangay, mga pinuno at ilang mga kawani ng mga departamento sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos, mga mayors at ibang opisyales ng ilang mga lungsod at munisipyo sa lalawigan ng Bulacan, mga civic groups, mga Non-Governmental Organizations. Nagpakita din ng suporta buong Sangguniang Panglungsod na pinangunahan ni Vice Mayor Miguel ALberto T. Bautista, Rev. Father Domingo M Salonga Kura Paroko Barasoain Church, PBGEN Jean S Fajardo PNP Regional Director Region III, Dir. Carminda Arevalo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Vice Governor Alexis Castro, Governor Daniel Fernando at Mayor Atty Christian D Natividad.