Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad kasama ang pinuno ng City Social Welfare and Development Office na si Lolita SP. Santos, RSW sa ginanap na Regional Awarding Ceremony para sa mga pumasa sa 2023 Seal of Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) at Conferee.

Iginawad ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children-III (RSCWC) ang

parangal sa 99 na lokal na pamahalaan (LGUs) mula sa 137 or 72% sa rehiyon ng Gitnang Luzon bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa paglikha at pagpapatupad ng mga programa na nagtataguyod ng ligtas at angkop na kapaligiran para sa mga bata.

Kabilang sa mga naggawad ng plake ng pagkilala ang Council for the Welfare of Children (CWC), mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at National Nutrition Council (NNC).

Kung matatandaan, binuo at inilunsad ng DILG at CWC ang Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) noong 2014 bilang tugon sa mga rekomendasyon ng pag-aaral noong 2012 na pinamagatang “Towards More Effective Local Councils for the Protection of Children (LCPCs) in Child Rights Responsive Governance in the Philippinesโ€.

Ito ay isang results-based assessment tool na taunang isinasagawa upang sukatin ang antas ng pagganap ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang para mapabuti ang kalagayan ng mga bata.

Sa pambungad na pananalita ni Dir. Anthony C. Nuyda, CESO III, Regional Director, DILG III, ipinahayag niya ang pagbati sa lahat ng mga LGU na pinarangalan sa kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan at sa pagpapatupad ng mga programang makakatulong sa kanila. Binigyang-diin niya ang patuloy na pagsusumikap ng mga LGU upang higit pang mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan.

Ibinahagi naman ni Dir. Maribel M. Blanco, Assistant Regional Director, DSWD FO III Vice-Chairperson, RSCWC III, ang pahayag na, โ€œ๐‘‡โ„Ž๐‘’๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘๐‘Ž๐‘› ๐‘๐‘’ ๐‘›๐‘œ ๐‘˜๐‘’๐‘’๐‘›๐‘’๐‘Ÿ ๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฃ๐‘’๐‘™๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘œ๐‘“ ๐‘Ž ๐‘ ๐‘œ๐‘๐‘–๐‘’๐‘ก๐‘ฆ’๐‘  ๐‘ ๐‘œ๐‘ข๐‘™ ๐‘กโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ค๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘–๐‘› ๐‘คโ„Ž๐‘–๐‘โ„Ž ๐‘–๐‘ก ๐‘ก๐‘Ÿ๐‘’๐‘Ž๐‘ก๐‘  ๐‘–๐‘ก๐‘  ๐‘โ„Ž๐‘–๐‘™๐‘‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘›.โ€ Sa pamamagitan ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA), tiniyak niya ang pagpaprayoridad sa kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng inobasyon at pagtatalaga sa responsibilidad na bumuo ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa kanila. โ€œ๐‘‡โ„Ž๐‘’๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘–๐‘  ๐‘›๐‘œ ๐‘โ„Ž๐‘–๐‘™๐‘‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘› ๐‘™๐‘’๐‘“๐‘ก ๐‘๐‘’โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘‘,โ€ ani Dir. Blanco.

Samantala, binigyang-diin ni Dir. Belina T. Herman, CESO V, Provincial Director, DILG Bataan, na ang tagumpay ng mga programa para sa mga bata ay bunga ng sama-samang pagsisikap. Kanyang tiniyak na ang bawat bata sa Gitnang Luzon ay malusog at handa para sa kanilang kinabukasan.

Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Teodulo R. Romo Jr., Head of After Care, International Justice Mission, ang mga LGU na nagbigay-daan upang maranasan ng mga bata ang katuparan ng kanilang mga karapatan. Inulit niya ang sinabi ni Dir. Maribel M. Blanco na, โ€œ๐‘‡โ„Ž๐‘’ ๐‘š๐‘–๐‘ ๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘› ๐‘–๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘œ๐‘ฃ๐‘’๐‘Ÿ ๐‘ก๐‘œ ๐‘–๐‘›๐‘ ๐‘๐‘–๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘โ„Ž๐‘–๐‘™๐‘‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘›.โ€

Nagpahayag din ng pasasalamat sa mga LGU si Jervin Edward Tayag, Provincial Nutrition Focal Point, Zambales Province, NNC, para sa pagpapahalaga sa nutrisyon ng mga kabataan. Binigyang-diin niya ang suporta mula sa unang 1,000 araw ng isang bata upang matiyak ang kanilang maayos na kalusugan. Pinagtibay niya ang layuning walang batang maiiwan sa larangan ng nutrisyon.

Ilan pa sa mga nagbigay ng mensahe ay ang kinatawan ni Atty. Rolen C. Paulino Jr., City Mayor, Olongapo City โ€“ Awardee, Atty. John Paul M. Balmores, Municipal Mayor, Pura, Tarlac โ€“ Awardee at si Usec. Angelo M. Tapales, Executive Director, Council for the Welfare of Children.

Dumalo at nagbigay din ng suporta ang mga opisyal ng DILG sa rehiyon, mga kasapi ng RSCWC, at iba pang mga organisasyon at opisyal na nagkakaisa sa layuning pangalagaan ang kapakanan ng bawat bata sa Gitnang Luzon.