
Mula sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan City Sports and Development Division sa pangunguna ni Sports Coordinator Toti Villanueva at mga organisasyon ng mga siklista na mula pa sa Mandaluyong, Cavite, Muntinlupa , Quezon City at Malolos. Umarangkada na kaninang alas 6 ng umaga ang kauna-unahang Republika Fun Ride na bahagi ng taunang selebrasyon ng Fiesta ng Republika.

Nagkaroon ng 3 kick-off points ang tinatayang 300 siklista. Ito ay ang Velenzuela City Peoples Parks, Bocaue Shell Gas Station at Liwasang Republika. Ang lahat ng mga siklistang galing sa mga lugar na ito ay nagsama-sama naman sa harap ng First Bulacan Industrial City sa Brgy Tikay. Mula dito ay binaybay nila ang kahabaan ng Mac Arthur Hiway patungo sa Liwasang Republika sa harap ng New Cityhall bldg.
Sa mensahe ng kinatawan ni Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad na si Chief of Staff Ferdie Durupa. Nagpasalamat siya sa lahat ng nagsidalo sa naturang aktibidad at sa pakikiisa ng mga ito sa selebrasyon ng pagtatag ng Unang Republika sa Asya.

Binigyang pansin din niya ang mga lumahok na mga Senior Citizen na aniya ay hindi alintana ang kanilang mga edad upang makiisa at makibahagi sa ganitong klaseng mga aktibidad.
Bilang pagtatapos, nagkaroon ng Raffle Draw kung saan namigay ang Pamahalaang Lungsod ng 5 bisikleta at iba pang mga souvenir items sa mga nagsilahok.