Matagumpay na naipamahagi sa 1000 Indigent Malolenyos ang mga Charitimba / Food Packs nitong ika – 26 ng Pebrero na ginanap sa Malolos Sports and Convetion Center.

And ipinapamahaging Charitimba ay parte ng Community Outreach Program ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa pangunguna ni Hon. Jennifer E. Liongson-Guevara, Member, Board of Directors katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Malolos sa pamumuno ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na siyang pinangunahan ni Konsehal John Vincent “JV” G. Vitug III.

Ipinamahagi sa mahigit 1,000 benepisyaryong Indigent Malolenyo, kabilang ang mga sumusunod na sektor:

• LLN (Lingkod Lingap sa Nayon)

• Mother Leaders

• Barangay Health Workers (BHW)

• Barangay Officials and Workers (BOW)

• Bantay Dagat

• LGBTQIA+

• Churches

• Solo Parents

• Tricycle Operators and Drivers Association (TODA)

• Non-Governmental Organizations (NGO)

• Tau Gamma Phi

• Mga Barangay

• Persons with Disabilities (PWD)

• AKRHO

Bukod sa ipinamahaging Charitimba, dalawampung (20) maswerteng Malolenyo Iskolar din ang pinagkalooban ng Educational Grant mula sa PCSO, na magbibigay sa kanila ng oportunidad upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap.