Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III at City Administrator ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay matagumpay na naipamahagi ang tatlong libong pisong tulong pinansyal sa 332 Indigent na Malolenyos.

Ang AICS ay programa ng DSWD na naglalayon na matugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng pandemya.