
Bilang tugon sa dumadaming Dengue cases sa buong Bulacan. Minabuti ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Health Office sa pangunguna ni Dr Eric Villano City Physician ang magsagawa malawakang fogging at misting sa buong lungsod.
Ayon kay Dr Villano, bagamat ang fogging at misting ay isang pamamaraan para maiwasan ang Dengue. Dapat din aniya na sundin ang mga Dengue Prevention Measures na inilabas ng kanilang tanggapan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panatilihing malinis ang kapaligiran lalong lalo na sa lugar na may stagnant water tulad ng flower pots, containers at mga kanal na maaring magsilbing breeding grounds ng mga lamok.
2. Magsuot nga mga mahahabang damit tulad ng longsleeves shirts at long pants, at gumamit din nga mga insect repellants kapag lalabas ng bahay.
3. Agarang kumunsulta sa doktor kung makakaramdam ng mga sintomas ng Dengue tulad ng pananakit ng katawan at ng ulo at lagnat.
4. Sumuporta sa mga fogging at misting na isinasagawa sa inyong mga komunidad lalong lalo na sa mga paaralan.
5. Siguruhing sapat ang paginum ng tubig.
Sa kasalukuyan 5 barangay na ang sumailalim sa isinigawang fogging at misting. Ito ay ang Brgy Atlag, Brgy Bulihan, Brgy Mojon, Brgy Ligas
at Brgy Anilao.
Inaasahang patuloy ang programang ito ng City Health Office para sa mga barangay sa ating lungsod nangangailangan nito lalong-lalo na sa mga barangay na may mataas na bilang ng Dengue cases.