
Bilang pagkilala at paggunita sa buhay at pamana ni Pope Francis, ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay nakikiisa sa buong sambayanan sa pagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw noong ika-21 ng Abril 2025.
Alinsunod ito sa Proclamation No. 871 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagdedeklara ng National Mourning para sa yumaong Santo Papa.
Bilang bahagi nito, inilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Liwasang Republika at mananatili ito hanggang sa araw ng kaniyang libing.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kababaang-loob, malasakit, at di-matatawarang paninindigan ni Pope Francis para sa kapayapaan, pagkakapantay-pantay, at katarungan.