Kinilala ng Department of Social Welfare and Development – Region III ang Malolos City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa matagumpay at natatanging pagpapatupad ng programang π‘‡π‘Žπ‘Ÿπ‘Ž π΅π‘Žπ‘ π‘Ž! π‘‡π‘’π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘–π‘›π‘” π‘ƒπ‘Ÿπ‘œπ‘”π‘Ÿπ‘Žπ‘š sa Lungsod ng Malolos.

Ang π‘‡π‘Žπ‘Ÿπ‘Ž π΅π‘Žπ‘ π‘Ž! π‘‡π‘’π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘–π‘›π‘” π‘ƒπ‘Ÿπ‘œπ‘”π‘Ÿπ‘Žπ‘š ay isang kolaboratibong inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, Bulacan State University (BulSU), at Department of Education (DepEd), na naglalayong bumuo ng isang holistic social welfare and development model. Sa ilalim ng modelong ito, nilikha ang isang mas makabuluhang learning ecosystem para sa mga batang mag-aaral sa elementarya na hirap o hindi pa marunong bumasa.

Bukod sa pagbibigay ng suporta sa mga bata, ang programa ay nakatuon rin sa pagtulong sa mga college students mula sa low-income families na kasalukuyang nag-aaral sa mga state o local universities. Sa pamamagitan ng programang ito, nahahasa sila bilang mga tutor habang nakatatanggap rin ng tulong-pinansyal.

Partikular na hinuhubog ng Tara, Basa! ang mga 2nd to 4th year college students upang maging epektibong tagapagturo sa mga Grade 1 at incoming Grade 2 studentsβ€”isang hakbang tungo sa mas inklusibo at makabuluhang edukasyon.

Kabilang sa mga pangunahing aktibidad sa ilalim ng programa ay ang mga: Cash-for-work for Families, Capability Building for Learning Facilitators and Youth Development Workers, Sessions with Parents, at Cash-for-work for Learning Facilitators and Youth Workers (College Students)

β€œAng Pamahalaang Lungsod ng Malolos katuwang ang BulSU at DepEd ay patuloy pong magsisikap na mas maiangat pa ang antas ng edukasyon sa lungsod. Sa katunayan, nasa ikalawang taon na po tayo ng Tara, Basa! Tutoring Program kung saan nakapag sagawa na tayo ng mga pagsasanay at payout sa mga benepisyaryo,” pahayag ni CSWDO Head Lolita S.P. Santos, RSW.

Personal na tinanggap ni Lolita S.P. Santos, RSW ang Plake ng Pagkilala sa ginanap na Pasasalamat Awards 2024 noong Abril 22 sa LausGroup Event Centre, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.