Sa kanyang mensahe, sinabi niya na hindi ito ang huling pagkakataon na magtutulungan at magbabayanihan upang makita ang pangarap na magandang buhay para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Malolos. Maging sa kanyang pribadong kakayahan ay patuloy pa rin siyang maglilingkod sa mga mamamayan.

“Mapa-ordinaryong mamamayan, mapa-civil servant, mapa-private citizen, iisa naman po yung ating pangarap. Pangarap natin na makita na mas tumatag ang ating bayan, mas maganda yung buhay ng ating mamamayan.” ani Gatchalian.

Pinasalamatan niya ang bawat departamento at kawani na nakasama nya sa paglilingkuran sa loob ng labing walong taon. Aniya, isang karangalan ang magsilbi kasama ng bawat isa at ituturing niyang pinakamalaking pribilehiyo ang oportunidad nito. Higit sa lahat, nagpapasalamat siya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga mamamayan.