Sa mensahe ni Mayor Christian D. Natividad, nagpaabot siya ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong nagbigay ng suporta sa kanya gayundin kay Mayor Bebong Gatchalian.

Naging sentro ng kaniyang mensahe ang tungkol sa pamamahala na ramdam ng mamamayan. Aniya, sa pamamagitan ng participative governance, ibabalik niya ang proper consultations sa mga barangay upang dagliang malaman at masolusyunan ang mga suliranin at pangangailangan ng mamamayan.

“Ang gobyerno ang mag-a-adjust para sa tao, hindi ang tao ang mag-a-adjust para sa gobyerno. Because our government is a representative government na kung saan ang kapangyarihan natin ay nagmumula, emanates from the people and electorate who voted us into office. Sila ang tunay na may kapangyarihan. Kayo ang tunay na may kapangyarihan na ipinahiram ninyo lamang po sa mga representanteng naririto. ” Ani ni Mayor Natividad.

Inaasahan na sa mga darating na araw ay isasagawa ang Inaugural Session kung saan ilalahad ni Mayor Natividad sa Sangguniang Panlungsod ang kaniyang mga pangarap para sa Lungsod ng Malolos.