
Apat na araw mula nang manungkulan si Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, binisita sa pangalawang pagkakataon ni City Environment and Natural Resources Office OIC Amiel S. Cruz ang Materials Recovery Facility sa Brgy. Matimbo.
Ayon sa kanya, mahigpit na inutos ng Punong Lungsod na personal niyang pangunahan ang mabilisang paglilinis at ang pagpapaayos ng MRF. Dagdag pa niya, isa sa mga prioridad niya bilang bagong talagang pinuno ng CENRO ang mapanatili ang kalinisan at ang kaayusan sa Lungsod ng Malolos.