
Ang gawain ay naglalayon na isulong ang Participatory Governance. Ito ay dinaluhan ng mga organisasyon at samahan na naglalayon maging bahagi ng Local Special Bodies. Ipinaliwanag ni Engr. Eugene N. Cruz, EN. P. – City Planning and Development Coordinator ang mga dokumento na kinakailangang ipasa ng mga CSO upang sila ay makasama sa akreditasyon.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng akreditasyon sa mga CSO, nabibigyan sila ng pagkakataon na maipaalam, subaybayan at suriin ang mga pampublikong desisyon, proseso, at aksyon. Sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga CSO sa mga pagpaplano para sa ikauunlad ng bayan, mas madaling natatalakay an mga pangangailangan at nasisiguro na natutugunan ito ng pamahalaan.
Ang gawain ay dinaluhan nina Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista at Kon. Nino Bautista.Photo credits: Mijie Bautista