
Personal na binisita ni CENRO OIC Amiel Cruz ang mga MRF ng 5 barangay sa latian, upang siguruhin kung ang mga ito ay nakakasunod sa itinakdang alituntunin ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay ayon na din sa pangako at sa naging direktiba ni Punong Lungsod Christian Natividad na panatiliin ang kalinisan sa Lungsod ng Malolos.
Batay sa isinagawang inspeksyon sa 5 barangay sa latian, may mga violations na nakita sa ilang barangay. At dahil dito magsasagawa ng Technical Conference o ng pagpupulong ang kanyang tanggapan at ang Department of Environment and Natural Resources upang mapagaralan at mapagusapan kung paano maitatama ang mga naturang violations. Ayon din sa kanya, nakahanda ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng kanyang tanggapan na makikipagtulungan sa pagsasaayos ng MRF ng kanilang barangay.
Kaalinsabay ng inspeksyon, minarapat ng bagong talagang CENRO OIC at ng kanyang mga staff katuwang ang mga barangay officials na magsagawa ng paglilinis at paghahakot ng basura na kanilang nasasakupan.