Mula sa direktiba ni Mayor Christian Natividad, isinagawa sa pangalawang pagkakataon ang Drive thru Vaccination sa New Cityhall bldg. Kung matatandaan, isa sa mga naging tema ng kanyang muling pagtakbo noong nakaraang eleksyon ay ang paglapit ng mga pangunahing serbisyo sa tao at hindi ang kabaliktaran nito. At mula sa naging resulta ng ginawang drive thru vaccination noong nakaraang linggo, minarapat ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng City Health Office sa pangunguna ni Dra Minerva Santos OIC na magsagawa ng mga pagbabago para sa mas maayos at mas epektibong sistema para sa ikabibilis ng pagbabakuna. Ito ay bilang tugon na din sa mga suhestyon at mga komento ng mga Malolos Netizens sa nailathalang artikulo sa pahinang ito ukol sa bakunahan noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga kinauukulan, patuloy na makikinig ang Pamahalaang Lungsod sa mga magagandang suhestyon, komento at alternatibong paraan para sa mas epektibo at mas kalidad na serbisyo, hindi lamang patungkol sa bakuna kung hindi pati na rin sa ibang serbisyong binibigay ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kapwa Maloleno.