
Ayon kay Joemari Caluag, Pinuno ng Dibisyon(PopCom), Sila ay cinapacitate ng PopCom Region III tungkol sa PPDP o Philippine Population and Development Program at matapos nito ay sila naman ang nagtraining sa lahat ng Barangay Population Worker ng 51 brgy ng Lungsod ng Malolos.
Alinsunod ito sa Devolution ng mga programa ng nasyonal na pamahalaan patungo sa mga pamahalaang lokal hanggang sa mga brgy.
Naganap ang dalawang araw na pagsasanay nitong July 28-29 na dinaluhan ng 51 brgy population workers ng lungsod.
Kasama sa pagsasanay ay malalim na pagdiscuss sa tatlong strategies/programa ng PPDP, at ito ay (PopDev)Population and Development(AHD)Adolescent Health and Development(RPFP) Responsible Parenthood and Family Planning.
Para naman sa programang RPFP Responsible parenthood and Family Planning (RPFP) bilang pagdirwang din National Family Planning Month sa buwan ng agusto at bilang resulta din ng pagsasanay ng mga BPW ay ang pagsasagawa ng serye ng Family Planning Sesions, RPM Sessions na pangungunahan ng mga Barangay Population Worker kasama dito ay ang pagbabahay bahay upang magbigay ng impormasyon sa kahalagahan ng family planning at pagtuwang sa mga mag asawa na may kagustuhan mag family planning achieving man o spacing at limiting. kasunod naman nito ay referral system sa mga gustong mag family planning sa mga Barangay Health Stations at Rural Health Units ng ating Lungsod.
Para sa mga katanungan sa family planning, maaaring makipagugnayan sa mga BPW o Barangay Population Worker o Midwife/Nurse ng inyong brgy.