
Nagtapos ang 50 magsasaka mula sa programang Farmers Field School (FFS) on Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification, and Farm Mechanization nitong ika-19 ng Agosto.
Ayon kay City Agriculturist Romeo S. Bartolo, ang mga nagsipagtapos ay nag-aral sa loob ng 17 linggo, kung saan pinag-aaralan nila mula sa pamimili ng seeds o buto ng palay, preparation, nutrient management, hanggang sa paggamit ng mga makinarya.
Ang FFS ay programa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ito ay upang matulungan ang mga magsasaka na paunlarin ang kanilang kaalaman at paraan sa pagsasaka sa pamamagitan ng mga makabagong makinarya at iba pa.
Dumalo rin sa graduation si Kon.Troi Aldaba III.