Idinaos ang pagbubukas nang nasabing tournament sa KB Gym na dinaluhan ng 4 na dibisyon, 48 barangay, 189 teams, at 2412 na manlalaro mula sa Lungsod ng Malolos.

Sa mensahe ni Mayor Christian D. Natividad, ito na raw ang simula ng panunumbalik ng mga programang pangkabataan sa Lungsod ng Malolos.

Nagpasalamat din si Nativadad kay Governor Daniel Fernando dahil sa pagpapahiram nito ng venue na pagdarausan ng tournament sa mga susunod na linggo.

Dumalo rin sa nasabing gawain sina Vice Mayor Miguel Alberto Bautista, Konsehal Troi Aldaba III, at SK President Patrick Dela Cruz.