Pagpapatupad ng mga bagong restrictions batay sa Atas Tagapagpaganap blg. 1 s. 2022 ng Task Force Covid sa mga pangunahing malls sa buong Lungsod ng Malolos nitong ika-7 ng Enero 2022.
 
Mula sa pinagsanib na puwersa ng City Health Office, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDDRMO), Bureau Of Fire Protection (BFP) at PNP Malolos, muling bumisita ang Task Force Covid sa Vista Mall Malolos upang paalalahanan ang mga ito sa mga restrictions alinsunod sa Atas Tagapagpaganap blg. 1 s.2022 mula sa pagsasailalim sa Lungsod ng Malolos sa Alert Level 3.
 
Ayon kay Cesar B. Caluag, CDRRMO Chief ang naturang pagbisita ay isang pagpapaalala lamang sa mga kinauukulan sa mga dapat at hindi dapat gawin sa ilalim ng Alert Level 3. bagama’t aniya ay patuloy naman itong isinasagawa, ito ay para lamang lalong paigtingin ang mga safety protocols upang maiwasan ang muling pagdami ng mga Covid cases sa ating Lungsod.
 
Inaasahan na patuloy ang gagawing inspeksyon ng Task Force Covid sa mga business establishments sa mga sumusunod na araw.