Mula sa pakikipagugnayan at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad at Department of Agriculture katuwang ang City Agriculture Office na pinamumunuan ni Romeo S.Bartolo. Napagkalooban ng 2 sako ng Fertilizers bawat isa ang 420 magsasaka sa ibat-ibang barangay ng Lungsod ng Malolos.

Ayon sa panayam sa kinatawan ng City Agriculture Office, ang mga mgasasaka na may lupang sinasakang hindi hihigit sa isang ektarya ang makatatanggap ng fertilizers. Ang mga magsasakang ito ay napili ayon sa datos na nagmula sa Department of Agriculture.

Nagsidalo naman sa naturang programa ang ilang kawani na nagmula sa City Agriculture Office, sina Chief of Staff Ferdie Durupa, Konsehal Troi Aldaba at Pangalawang Punong Lungsod Migs Bautista. Ayon sa mensahe ni Vice Migs, ang Pamahalaang Lungsod kasama ang Sangguniang Panglunsod ng Malolos ay magkatuwang sa layuning mapaunlad at makatulong sa mga magsasakang Malolenyo. Dagdag pa niya, patuloy ang pakikipagusap ng kanilang mga opisina sa mga ahensyang katulad ng National Food Authority upang mas gumaan at mas gumanda ang kalagayan ng ating mga magsasaka.

Bilang pagtatapos, nagtakda si Konsehal Troi, Chairman ng Lupon ng Agrikultura ng pagpupulong kabilang ang mga pangulo ng mga magsasaka ng bawat barangay at lahat ng mga ahensyang may kinalaman sa agrikultura upang lubos pang mapagusapan at masulosyunan ang mga problemang kinakaharap ng mga magsasakang Malolenyo.