
Ginanap sa Feliza Jazz Hall ang nasabing council meeting na pinangunahan ni Punong Lungsod Abdg. Christian D. Natividad.
Pinagtibay ang mga sumusunod na resolusyon sa nasabing pulong:- Resolution 08-2022 Autorizing the Updates in the Comprehensive Development Plan for 2020-2025 of City Government of Malolos.- Resolution 09-2022 A Resolution Endorsing the Local Development Investment Program (LDIP) for 2023-2025 of the City of Malolos- Resolution 10-2022 – A Resolution Endorsing the Annual Investment Program (AIP) and the Allocation of the 20% Development Fund For 2023 of the City of Malolos.
Kalakip ng mga resolusyon ang mga programang pang-imprastraktura, pangkalusugan, paglalagay ng harang para masolusyunan ang pagbaha, at iba pang proyekto na makatutulong sa pagpapaunlad at tutugon sa mga suliranin ng mga Maloleño.
Sa mensahe ni Mayor Natividad, malaki ang gampanin ng mga myembro ng council dahil masasalamin dito kung ano ang kahaharapin ng Lungsod ng Malolos sa mga susunod na taon.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing programa ay sina City Administrator Joel Eugenio, City Planning and Development Coordinator Engr. Eugene Cruz, mga Civil Society Organizations at mga Punong Barangay.