Ginanap sa Conference Room ng City Administrator’s Office ng Malolos City Hall ang pulong ng City Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ni PLTCOL Ferdinand D. Germino, Vice-Chairperson ng CADAC.

Sa nasabing pulong, binigyang-diin ang pagpapaigting ng kampanya-kontra droga sa mga barangay sa Lungsod ng Malolos alinsunod sa hangarin ni Mayor Christian D. Natividad na maging drug free ang lungsod. Kaugnay din nito ay ang pagbibigay ng mga suhestyon kung paano ito maisasakatuparan kabilang na ang paglalaan ng pondo sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na makatutulong upang magsagawa ng mga kaukulang training na makatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga myembro nito.

Ilan pa sa mga tinalakay ang mga sumusunod pagkakaroon ng kasanayan sa mga barangay tungkol sa pagsasaayos ng mga requirements na kinakailangang isumite sa DILG pag-maximize ng pondo para sa ikakaunlad ng mga programa ng CADAC – pagbibigay insentibo sa mga Drug Clear at Free na barangay, at pagbabalik operasyon sa Bahay Pagbabago

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong Konsehal Niño Bautista, LGOO VI Digna A. Enriquez, Malolos City P/Capt. Ernesto H. Clemente II, City Executive Judge Nemencio V. Manlangit, City Information Officer Regemrei P. Bernardo, CADAC Focal person Noel “Asiong” Acuña, Maria Theresa D. Ondoy ng CADHAM at iba pa.