Nagkaroon ng pampublikong pagdinig ang Lupon sa Pampublikong Kaayusan, Pag-iwas sa Sunog at Kaligtasang Pampubliko sa pangunguna ni Kon. Emmanuel R. Sacay, Tagapangulo ng komite ang kahilingan ng Sumitomo Mitsui Construction Co., Ltd. pansamantalang isara ang A.Bonifacio Rd at Camia St. sa Brgy. San Pablo upang bigyang-daan ang North-South Commuter Railway Project (Malolos-Tutuban) Package CP02.

Sa nabanggit na gawain, ipinaliwanag ni Engr. Japhet Gonzales, kinatawan ng Sumitomo Mitsui Construction Corporation Ltd., na ang nasabing mga kalsadang isasara ay ang partikular na tatawiran ng magiging elevated railway track ng NSCR kung kaya’t mapanganib kung hahayaang may dadaan sa ilalim nito.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga Kapitan ng mga apektadong barangay upang mabigyang kalinawan at katugunan ang ilan sa kanilang mga alalahanin tungkol sa magiging ruta ng mga sasakyan, kaligtasan ng mga residente, partikular na ang mga estudyante.

Ilan sa mga napagkasunduan ang pagkakaroon ng Window period para sa mga dadaang Truck sa Marcelo Road, pagtatalaga ng mga personnel upang matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko, pagmomonitor sa singil sa pasahe ng mga TODA at agarang pagbubukas ng mga nabanggit na kalsada kung sakaling matapos ito ng mas maaga sa inaasahan.

Tiniyak din ni Engr. Gonzales na patuloy ang kanilang magiging pakikipagugnayan sa Pamahalaan para sa kaayusan ng pagsasagawa ng proyekto.

Naging bahagi rin ng pulong sina Kon.Troi Aldaba III, Kon.Niño Bautista, Kon. Therese Cheryll Ople, Kon. Miguel Carlos Soto, Mark Gil De Leon ng Department of Transportation, City Information Officer Regemrei P. Bernardo, Division Head, City Traffic Management Office Adelio Asuncion, at iba pa.